PEST MONITORING AND SURVEILANCE TRAINING

45 FARMERS MULA BARIRA, MAGUINDANAO DEL NORTE AT BULUAN, MAGUINDANAO DEL SUR, ISINAILALM SA PEST MONITORING AND SURVELANCE TRAINGING NG MAFAR
Bangsamoro Autonomous Region - Isinailalim sa Pest Monitoring and Surveillance Training ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform ang apatnapu't limang farmers mula Barira, Maguindanao del Norte at Buluan, Maguindanao del Sur.
Sa pangunguna ng Research and Regulatory Division ng Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform technical personel, apatnapu't limang farmers mula Barira, Maguindanao del Norte at Buluan, Maguindanao del Sur ang sumailalim sa isang araw na Pest Monitoring and Surveillance Training na ginanap noong May 11 at 12.
Layunin ng Programang ito ay para sanayin ang mga magsasaka sa tamag pagkakakilanlan ng plant diseases, insect pests, and natural enemies of rice, corn, vegetables, and Plantation crops
Ayon sa Agriculturist II ng MAFAR Mojahed Gaga, ito rin ay para matulungan sila sa mga kahalagahan ng pest control lalo na sa pagtukoy kung nagiging epektibo ang mga control measures.
Labis naman nagpapasalamat si Kagawad Abdul-Basit Maliga dahil sa tulong na ibinahagi ng MAFAR lalong lalo na't makakatulong ito sa panghanap buhay ng mga magsasaka.
Pinagkaloobang din ng rubber boots, farmers native hats, multipurpose working gloves ang mga magsasaka sa pagtatapos ng training.