top of page

DILG: PETSA NG PANUNUMPA NG MGA UUPONG OPISYAL SA MAG DEL SUR AT NORTE, ISINASAPINAL NA

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Tinututukan ng Department of Interior and Local Government ang isasagawang panunumpa ng mga uupong opisyal ng Maguindanao Del Norte at Del Sur matapos maratipika ang RA 11550.




Petsa na lamang ayon sa kalihim ang isinasapinal ayon kay DILG Sec BENJAMIN ABALOS JR. " Itinawag na sa akin ito chini check ko lang ito with the Malacañang kung kailan and of course certain papers certain certification coming from the Comelec para maayos po ito, dito po I would like to congratulate the people of Maguindanao del Norte"


Dalawang linggo na ang nakalipas nang magcourtesy visit ang mga opisyal ng dalawang bagong tatag na probinsya sa tanggapan ng kalihim.


Sa ngayon, puspusan ang provincial government sa paghahanda sa transition period kung saan animnapung araw lamang ang itinakda ng batas.


Base sa nakasaad sa RA 11550, si Maguindanao Vice Governor Ainee Sinsuat ang magiging kauna-unahang gobernadora ng Maguindanao del Norte habang si Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu ang mamumuno sa Maguindanao del Sur.


End

2 views
bottom of page