top of page

PFP PRESIDENTIAL CANDIDATE BONGBONG MARCOS, NEGATIBO ANG RESULTA NG DRUG TEST

iNEWS | November 25, 2021

Photo courtesy : Atty Vic Rodriguez


Cotabato City, Philippines - Araw ng Martes nang sumailalim sa cocaine test si Partido Federal ng Pilipinas Presidential Candidate Bongbong Marcos.


Ito’y matapos magpasaing si Pangulong Rodrirgo Duterte na mayroong Presidential Candidate sa 2022 elections ang gumagamit ng cocaine.


Sa kanyang pahayag sa ABS-CBN NEWS.COM, bagama’t hindi naman umano niya ramdam na siya ang pinapasaringan ng Pangulo, bilang isang kandidato ay tungkulin umano niyang tiyakin sa mga mamamayang Pilipino sa siya ay tutol sa iligal na droga.


Isinumite naman ng dating Senador ang resulta ng kanyang cocaine test sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, Philippine National Police at National Bureau of Investigation.

Sa kanyang pahayag sa panayam ni Anthony Taberna, sinabi nito na sa isang ospital siya nagpa-drug test at negative ang resulta nito.


Nauna nang sumailalim sa drug test sina Presidential Candidate Senator Ping Lacson at Vice Presidential Candidate, Senator Tito Sotto noong araw ng Lunes kung saan negative ang resulta ng drug test ng dalawawang opisyal.


8 views
bottom of page