top of page

PH-US ALLIANCE


Photo Courtesy: Presidential Communications Office

Mas matatag at malawak na ang sakop ng alyansang Pilipinas at Estados Unidos matapos ang makabuluhan at produktibo na bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at U.S. President Joe Biden sa Washington, D.C.


Itinataguyod ngayon ng pagtutulungan ng dalawang bansa ang kooperasyon sa iba't ibang larangan tulad ng ekonomiya, pamumuhunan at kalakalan, edukasyon, kaparatang pantao, kalusugan, clean energy, at environmental protection.


Photo Courtesy: Presidential Communications Office

Ito laman ng pag uusap nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at U.S. President Joe Biden sa isang bilateral meeting sa Washington, D.C.


Sa kaniyang mensahe, inihayag ng Pangulo ang usaping pangkapayapaan sa rehiyon at kahalagahan ng kooperasyon sa pagpapanatili nito, kabilang ang matatag na alyansa ng Pilipinas at U.S. sa mga nagdaang dekada.


Nagpahayag naman ng malalim na suporta si President Biden sa larangan ng pamumuhunan sa bansa at sa economic development priorities ng Marcos-Duterte administration, gayundin sa military modernization program ng bansa.


Photo Courtesy: Presidential Communications Office

Personal din na kinumusta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Filipino community sa Washington, D.C. bilang bahagi ng kaniyang limang araw na opisyal na pagbisita sa Estados Unidos.


Nagpasalamat ang Pangulo sa halos apat na milyong Pilipino sa Amerika dahil sa tulong na pinapadala sa kanilang mga pamilya at maging ilan sa kababayan sa bansa sa oras ng kalamidad at sakuna sa nagdaang mga taon.


Kinilala rin ng Pangulo ang kanilang kontribusyon sa pagpapatibay ng pundasyon ng ugnayan ng Pilipinas at U.S. sa nagdaang pitong dekada.




6 views0 comments

Recent Posts

See All