top of page

Php2.4M na halaga ng Marijuana plants, binunot ng PDEA-12 sa Tampakan, South Cotabato

Kate Dayawan | iNEWS | November 15, 2021


Photo courtesy : PDEA Regional Office XII


Cotabato City, Philippines - Nasa mahigit kumulang 12,000 na fully grown Marijuana plants ang binunot ng Philippine Drug Enforcement Agency 12 sa pamamagitan ng PDEA South Cotabato Provincial Office sa Sitio Tukaymal, Barangay Tablu, Tampakan, South Cotabato noong Sabado, November 13.


Kasama ng PDEA South Cotabato Provincial Office sa operasyon ang Tampakan Municipal Police Station, Regional Police Drug Enforcement Unit 12, South Cotabato Police Drug Enforcement Unit at iba pang enforcement agency.


Nakatakas naman ang lalaking nangangasiwa ng nasabing Marijuana plantation na si alyas Jimben, nasa wastong gulang na residente ng Barangay Danlag, Tampakan, South Cotabato.


Ayon sa report mula sa PDEA-12, ang suspek rin umano ang cultivator ng 13,000 na Marijuana na binunot ng PDEA-12 noong Enero ng kasalukuyang taon sa Barangay Danlag.


Malaya man sa ngayon ang suspek, mahaharap pa rin ito sa kasong paglabag sa Section 16, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

17 views
bottom of page