Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Sa serye ng karahasan na naganap sa bayan ng Pikit sa loob lamang ng isang linggo, sinabi ni Mayor Sumulong Sultan na mayroong grupo na nagnanais guluhin ang bayan.
[Ang nangyari po dito ay may mga third party po na may ginagawang hindi maganda kaya hinihiling ko po sakanila na mag move on na tayo magkaisa na tayo mag tulungan para mahanap natin yong isang mapayapa at tahimik at maunlad na bayan ng Pikit. Sa lahat po ng ating Pikitenos wag po kayo mag-alala dahil nandito po ang ating kasundalohan andito po ang ating kapulisan at wag po tayo maniwala sa fake news sa social media dahil kung nakikita lang po ninyo yong nag daang 73rd founding anniversary nakita niyo po na napakaraming Pikitenos sa municipal plaza na kung saan mostly naman sa mga Christian ay nagkakaisa kung makita niyo po doon sa municipal gym may mga activities po kami doon andoon po yung mga Pikitenos andoon po yung mga kapatid namin na mga Kristiano mga kapatid namin na Muslim mga kapatid namin na IPs na tumitingin po sa mga activities po doon so wala pong namamagitan nagmamahalan po nagkakaisa po ang mga Pikitenos sa bayan namin kaya wag po tayo maniwala wag po tayong makinig sa mga social media kasi ang iba diyan ay nag sasabi ng fake news para sirain po yong magandang samahan ng Pikitenos dito sa aming bayan.] SUMULONG SULTAN, Mayor, Pikit North Cotabato
Bunsod nito, humiling si Mayor Sultan ng dagdag na pwesa mula sa PNP at AFP.
Inilatag ito ng alkalde sa isinagawang Municipal Peace and Order Council Special Meeting.
Dahil ilan sa mga barangay sa bayan na pinangyarihan ng krimen ay nasa ilalim ng Special Geographic Area ng BARMM, dumalo rin sa meeting ang mga kinatawan mula sa Ministry of Public Order and Safety.
[Ayon nga po, kanina na pag-usapan po namin kung saan po ilagay yong mga kapulisan natin kasi may darating din po dito na special action force yong SAF so may mapunta din po dito so lahat po ng ating kapulisan gaya ng special action force at saka yong galing sa 602nd Brigade na additional troops ay yon ang pinag usapan namin kanina nilagyan kung saan dapat iligay doon para masupil po yong mga criminal elements na papasok po sa poblacion lalong-lalo na po doon aa poblacion na malagyan po yong mga exit at saka mga entrance na papasok po sa poblacion yon po ang naging resulta ng aming pagpupulong dito kanina malaking pasalamat po namin sa 602 Brigade at sa ating 90IB sa pangunguna ni colonel Mundala at sa ating kapulisan sa Chief of Police si Police Major Peralta at kasama na din po yong ating mahal na Governor na kung saan nagbigay po siya through sa provincial director si Colonel Ramos ng additional forces dito sa aming bayan.] SUMULONG SULTAN, Mayor, Pikit North Cotabato.
Nanawagan ang alkalde sa lahat ng mga residente na maging kalmado pero manatiling alerto.
[Ang Pikit po ang local government unit ng Pikit dahil on top of the position parin po sa tulong po ng ating kapulisan at ating kasundalohan galing po sa 90IB at sa tulong din po ng 602 Brigade na under po kay General Gonzales na kung saan nag bigay po siya ng mga additional Cops para tingnan po yong kaayosan dito, sa tulong po ng ating kapulisan at ang ating kasundalohan na itinalaga po strategic areas mag tingin po sa peace and order sa area ng Pikit.] SUMULONG SULTAN, Mayor, Pikit North Cotabato.
End