top of page

PIKIT MPS, NAGHAIN NG CRIMINAL COMPLAINT LABAN SA NAKATAKAS NA TARGET NG GOKOTAN OPERATION

Kate Dayawan | iNEWS | January 28, 2022

Courtesy: PRO 12 Public Information Office



COTABATO CITY, Philippines - Illegal Possession of Firearms at Illegal Possession of High Explosive, ito ang isinampang reklamo ng Pikit Municipal Police Station sa nakatakas na target ng Gokotan operation na si Maula Manampan alyas Joel Manampan habang Illegal Possession of Firearms naman ang isinampa laban sa kasama nitong si alyas Expander.


Inihain ito ng Pikit MPS sa Provincial Prosecutor's Sub-Office sa Barangay Poblacion 8, Midsayap, North Cotabato.


Ang nasabing reklamo ay bukod pa sa samu't saring motorsiklo, iba't ibang mga armas, bala at sangkap sa paggawa ng IED na narekober sa lugar na beripikadong pagmamay-ari ng dalawang suspek.


Sa report mula sa Police Regional Office 12, kabilang si Manampan sa listahan ng PDEA bilang high-value target noon pang 2017 at inihayag rin na ang Barangay Gokotan ay kinokonsidera bilang isang illegal drug-infested village at naiuulat din ang illegal drug trafficking activities sa lugar.


Ayon kay PBGen. Alexander Tagum, Regional Director ng PRO-12, good law at good sense umano para sa mga inatakeng pulis na ipagtanggol ang kanilang mga sarili ngunit gawin lamang kung ano ang makatwirang kinakailangan.



22 views
bottom of page