PILIIN ANG PANGULO NA KAIBIGAN NG BANGSAMORO AT HINDI IBABALIK ANG LAGIM NG NAKARAAN- MBHTE MINISTER

Lerio Bompat | iNEWS Phils | March 18, 2022

Photo courtesy : BTA Parliament


Cotabato City, Philippines - Limampu’t dalawang araw na lamang halalan na.


Sa 3rd Regular Session ng Bangsamoro Transition Authority araw ng Huwebes, Marso a dise siyete, sinabi ni Member of Parliament at kasalukuyang Minister ng MBHTE Mohagher Iqbal sa kanyang privilege speech na sa pagpili ng kandidato sa pagkapangulo ng bansa, dapat piliin ang kandidato na kaibigan ng bangsamoro at hindi ibalik ang lagim ng nakaraan.



Nanangamba rin ang opisyal sa maaring kahihinatnan ng Bangsamoro Organic Law kung ang mamumunong administrasyon ay hindi lubos na nauunawaan ang hinaing ng Bangsamoro.



Paalala nito sa mga kasamahan sa BTA at mamamayan ng BARMM na boboto sa halalan sa darating na a nuebe ng Mayo.




End


1 view