top of page

PILIPINAS, PASOK SA GROUP A KASAMA ANG NEW ZEALAND, NORWAY AT SWITZERLAND PARA SA FWWC

Anne Santos I iMINDSPHILIPPINES

Tuloy ang pag-arangkada ng Pilipinas sa FIFA Women’s World Cup!


Nitong sabado, opisyal na inanusyo na kabilang ang Pilipinas sa Group A na maglalaro sa tanyag na women’s football competition.



Photo courtesy : ABS-CBN News.com


Makakalaban nila ang mga koponan mula bansang New Zealand, Norway at Switzerland.


Ito ang unang beses ng Pilipinas na nag-qualify sa nasabing kompetisyon matapos makapasok sa semifinals ng AFC Women’s Asian Cup noong Pebrero..


Kasalukuyan, rank number 53 ang Pilipinas na siyang lowest ranked team. Sa tatlong team, ang magiging pinakamatinding kalaban ng Pilipinas ang Norway na nasa Rank 12. Number 21 naman sa rankings ang Switzerland at number 22 ang New Zealand.


Target ng Pililpinas ang mapabilang sa top 2 teams para siguradong makapasok sa knockout phase.


Magsisimula ang nasabing Women’s World Cup sa July 2023.


END


0 views
bottom of page