Fiona Fernandez | iNEWPHILIPPINES

Nakatanggap ng bags ang limang daang mag-aaral sa Dasmariñas, Cavite nitong nakaraang Biyernes.
Ito ay sa pamamagitan ng PagbaBAGo Program ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte na siya ring kalihim ng Department of Education.
Tulad ng mga naunang PagbaBAGo distributions, ang pamamahagi ng mga learning kits sa mga kabataan ay naglalayong ibigay ang sapat na suporta upang maging determinado pa ang mga mag-aaral upang magsumikap. Bukod sa bags para sa mga mag-aaral, namahagi din ng mga food packs sa mga magulang.