top of page

PINAKAMATAAS NA OIL-PRICE HIKE NA NAITALA SA BUONG TAON, IPINATUPAD NGAYONG ARAW

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 15, 2022

Cotabato City, Philippines - Umaray na noong nakaaraang linggo ang mga motorista sa pag-aakalang yun na ang pinakamalaking pagtaas ng presyo ng petrolyo ngayong taon.


Ngunit dahil sa patuloy na sagupaan ng Russia at Ukraine, mas umaray pa ang mga motorista sa pagpapatupad ngayong araw ng P13.15 sa kada litro ng Diesel, P7.10 sa kada litro ng gasoline habang tumaas naman ng P10.50 sa kada litro ng Kerosene.


Bukod dito, posible ring tumaas ang presyo ng tangke ng LPG ng hanggang P119.53 kada litro o P1,314 per 11 kilogram cylinder kung patuloy na tataas ang international fuel prices ayon sa Department of Energy (DOE).


Nais ngayon ng DOE na magpaliwanag ang oil firms.


End.



4 views
bottom of page