FIONA FERNANDEZ

Huli ng otoridad ang isang pinaniniwalang MILF member matapos ikasa ng nga ito ang buy-bust operation sa Barangay Crossing Simuay, Sultan Kudarat, Maguindanao kahapon, November 3.
Sa ulat mula sa PDEA BARMM, nakilala ang naarestong lalaki na si alyas Dhats habang nakatakas naman ang kasama nito.
Photo courtesy : PDEA BARMM
Sa operasyon, nakumpiska sa pag-iingat nito ang anim na pakete ng hinihinalaaang Shabu na nagkakahalaga ng 136,000 pesos, buy-bust money, cell phone, coin purse,
identification card, at isang motorsiklo na ginakit nito sa transaksyon.
Sa ngayon, nahaharap na ang naarestong lalaki sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.
Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA RO BARMM, Sultan Kudarat Municipal Police Station, NBI BARMM, HPG BARMM, at PNP MARITIME.
End