Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Napasakamay ng pulisya ang isang pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayaff Group na si Rajak sa Sitio Tambayot, Barangay Buenavista bandang alas diyes, gabi ng Martes.
Ayon kay Col. Richard Verceles, operations chief of the Area Police Command - Western Mindanao, matapos na makatanggap ng intelligence report sa pinagkukutaan nito, tinungo ng mga operatiba ang hideout nito dala ang arrest warrant laban sa kaniya.
Si Rajak ay nahaharap sa kasong attempted murder na inisyu ng local court noong August 10, 2018. Siya rin ang pang-sampu sa Most Wanted sa lungsod.
Sangkot din umano si Rajak sa mga kaso ng kidnap-for-ransom na pinamumunuan ng isang Marzan Alijul.