top of page

PINARANGALAN NG PBBM


Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Palasyo ang mga

kababayan na nagbigay karangalan sa bansa sa iba't ibang kompetisiyong internasyonal sa nakalipas na apat na buwan.


Photo Courtesy: Presidential Communication Office


Isa sa mga Filipino artist na pinarangalan si Jex de Castro na nakamit ang kampeonato sa Stars of the Albion Grand Prix 2023 sa Euro Talent Festival 2023 na ginanap sa London, United Kingdom.


Personal na binigyan ni PBBM ng parangal at pagpupugay ang mga bagong kampeon na Pinoy boxers na sina Melvin Jerusalem, Charly C. Suarez, and Marlon Tapales at ang Makati Football Club na nanalo naman sa Junior Soccer School and League sa Singapore nitong buwan.


Kinilala rin ng Pangulo ang tagumpay ng Philippines Men's Ice Hockey team na nagwagi sa World Championships Division IV sa Ulaanbaatar, Mongolia na aangat sa Division III-B ng championship round.

0 views0 comments