top of page

PINOY ATHLETE NILANGOY ANG SORSOGON-ALBAY CHANNEL BILANG KANYANG TRAINING SA TRIATHLON

Mr. Jay M. Lasola Jr. | iNEWS Phils | March 17, 2022

Photo courtesy : ABS-CBN.NEWS


Cotabato City, Philippines - Isang batang Pinoy athlete ang nilangoy ang 12 kilometro mula Sorsogon hanggang Albay bilang training sa kanyang unang pagsabak sa TRIATHLON.


Ang 19 anyos na si BERT JUSTINE NARCISO, ay lumusob sa dagat noong March 5, 2022, kahit na ito ay mahirap gawin galing sa Donsol, Sorsogon hanggang Pio Duran, Albay.


Nakuha niya ito ng tatlong oras at 38 minutos kahit na nasugatan ito habang lumalangoy.


Ayon kay Bert, noong una, ok naman ang dagat ngunit kinalaunan tinangay siya sa ilalim ng dagat, kaya nasugatan ang kanyang talampakan at kamay.


Ang TRIATHLON ay mayroon tatlong sports: CYCLING, RUNNING at SWIMMING.


Si Bert Narciso sasali sa 2022 Talisay Triathlon.

0 views
bottom of page