top of page

PINOY POLE VAULTER EJ OBIENA, NASUNGKIT ANG GINTONG MEDALYA SA GOLDEN FLY SERIES SA LIECHTENSTEIN

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Isa na namang tagumpay para sa bansang Pilipinas matapos masungkit ni Pinoy Pole Vaulter Ernest John Obiena ang gintong medalya sa Golden Fly Series na ginanap sa Liechtenstein.


Tinalon ni Obiena ang 5.71 metro para makuha ang pagkapanalo.


Sinundan siya ni Olen Tray Oates mula Amerika na nakakuha ng Pilak matapos talunin lamang ang nasa 5.61 metro.


Habang pumangatlo naman si Riccardo Klotz ng Austria na tumalon ng 5.51 metro.


Kasabay ng pagkapanalong ito ni Obiena ay ang anibersaryo rin ng kanyang matagumpay na Asian record-breaking feat noong taong 2021 kung saan tinalon niya ang 5.93 metro upang malampasan ang asian record na ito.

2 views
bottom of page