Mr. Jay M. Lasola Jr. | iNEWS Phils | March 24, 2022

Photo courtesy : Ping Lacson
Cotabato City, Philipppines - Pasado alas nuebe ng umaga kahapon nang dumating sa paliparan ng Awang sina Partido Reporma Presidential bet Panfilo Lacson at Vice Presidential candidate Vicente Sotto III.
Dumeretso ang dalawang opisyal sa bayan ng Midsayap kung saan nakipagpulong ito sa mga lokal na opisyal ng bayan sa pangunguna ni Mayor Romeo Arana.
Sa town hall meeting, sinagot ng dalawang kandidato ang mga tanong ng mga residente.
Una ang hiling ng mga solo parent hinggil sa 20 % discount tulad ng benepisyo ng mga senior citizen.
Ayon kay Sotto, kulang lamang umano ito sa implementasyon ngunit kayang-kaya naman umanong ipatupad ang Solo Parents Act. Kinakailangan lamang umanong magparehistro ng mga solo parent sa lokal na pamahalaan upang makakuha ng sertipiko.
Samantala, pangako naman ni Lacson para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na pabibilisan ang integration program maging ang mga livelihood program para sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front na bahagi ng Normalization Process.
Nilinaw naman ni Lacson ang isyu ng zero vote sa Maguindanao noong may 2007 elections
Naniniwala naman ito na hindi na muling mangyayari pa na masi-zero ito sa bilangan ngayong eleksyon lalo pa at automated na.
END.