Kate Dayawan

(Photo courtesy: BenarNews Philippines) SOUTH COTABATO — Kinondena ng PNP 12 at Joint Task Force Central ang naganap na pagsabog sa isang bus ng Yellow Bus Line kahapon sa GenSan Drive, Barangay Zone 3, Koronadal City, South Cotabato.
Tatlo ang sugatan sa pagsabog kabilang na ang tricycle driver na si Wilfredo Ilagan Tino.
Kasunod ng pagsabog-
Ipinag-utos ni PNP 12 Regional Director, Police Brigadier General Alexander Tagum ang pagdeploy ng Bus Marshal sa lahat ng terminal ng bus sa rehiyon dose.
Nanawagan naman si South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr sa publiko na maging mapagmatyag at agad na isumbong ang mga kahina-hinalang indibidwal o bagay.
Samantala, bukod sa Koronadal, isang pagsabog din ang yumanig sa isang bakanteng lote sa Tacurong City kahapon.
Walang naiulat na sugatan sa insidente.
Maswerte naman at wala umanong nasugatan sa nasabing insidente.
Ayon sa Joint Task Force Central, posibleng diversionary tactics umano ng teroristang grupo ang naganap na pagsabog sa Koronadal City at Tacurong City.
Ipinag-utos ni Brigadier General Eduardo Gubat, Acting Commander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force Central, sa lahat ng units nito na magsagawa ng mas pinaigting na checkpoint operations at intelligence monitoring bilang tulong sa isinasagawang imbetigasyon ng PNP.