top of page

PNP BARMM, INILUNSAD ANG REVITALIZED KASIMBAYANAN KASAMA ANG RELIGIOUS SECTORS AT MILG-BARMM

Fiona Fernandez | iNEWSPHILIPPINES


Tungo sa layuning isulong ang pagkakaisa tungo sa isang progresibo at mapayapang komunidad, inilunsad ng Police Regional Office BAR ang revitalized KASIMBAYANAN kasama ang mga religious sector, at Ministry of the Interior and Local Government - BARMM kahapon, September 26 sa Camp BGen Salipada K Pendatun, Parang, Photo Courtesy: PRO BAR Maguindanao.


Sa kanyang mensahe sa paglulunsad, sa ngalan ni Regional Director John Guyguyon, sinabi ni PRO BAR Deputy Regional Director PBGEN Pablo Labra na nakikita ng PNP ang malaking impluwensya ng relihiyon at magandang ugnayan sa pamayanan sa prinsipyo ng moralidad bilang isang pulis.


"This is a collaborative pursuit of the PNP's thrust that fosters Malasakit, Kaayusan, at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran: an aid to strengthening our partnership with the church and the community to maintain integrity in service. Ito ay nagpapakita lamang na tayo sa PNP ay nagseserbisyo ng may pananampalataya sa Diyos. And in faith, we shall continue in pressing forward for our dream of a peaceful and progressive Bangsamoro region."

Sabay-sabay na nilagdaan ng mga kinatawan mula sector sa kapulisan, relihiyon at pamayanan ang pledge of commitment bilang pangako ng matatag na ugnayan upang mapalaganap ang Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa kaunlaran.



7 views
bottom of page