Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Huwag ma-alarma.
Ito ang sinabi ni Regional Public Information Officer PLT Eirene Mazon sa mga nangangambang Media Practitioners na nagbigay ng kanilang basic information sa PNP BARMM.
Ayon kay PLT Mazon, hindi gaya ng ginawa sa National Capital region na kung saan, nagkaaroon ng surprise house-to-house visit ang mga pulis sa mga mamamahayag na nagdala ng takot at pagka-alarma sa mga ito, ang kanilaang paghingi ng mga basic information sa mga local journalists sa Bangsamoro Region ay para sa kanilang sinusunod na security protocol kapag papasok sa kanilang kampo.
Wala umano silang natanggap na utos hinggil sa pagbisita ng mga pulis sa mga local media practitioners sa kanilang hurisdiksyon.
Kung sakaling may ganitong measure na ipapatupad, sinisiguro nila na ipagbibigay alam sa mga mamamahayag ang kanilang pagbisita at kung ano ang pakay ng kanilang pagbisita.
Sinisiguro naman ng PNP BARMM na mananatiling confidential ang mga impormasyong kanilang nakalap mula sa mga mamamahayag at nagpaalala naman na kung may mga hindi kanais-nais o may anumang death threat na natanggap, agad na ipagbigay alam sa kanilang tanggapan.
End