top of page

PNP CHIEF, HINIMOK ANG KANYANG KAPULISAN NA IWASANG PANGAMPANYA SA KAHIT NA SINONG KANDIDATO

Kate Dayawan | iNEWS Phils | March 14, 2022

Photoc courtesy : PRO 12 - PIO


Cotabato City, Philippines - Nagsagawa ng command visit si PNP Chief PGen. Dionardo Carlos sa Police Regional Office 12 sa ilalim ng pamumuno ni PBGen. Alexander Tagum sa Barangay Tambler, General Santos City.


Sa kanyang pagbisita ay kinausap nito ang kanyang mga kapulisan kasama ang Command Group, Regional Division Staffs, Provincial Directors, City Director, at mga hepe ng pulisya kung saan pinuri nito ang PRO-12 sa mainit nitong pagtanggap sa kanya at pinayuhang ipagpatuloy ang magandang performance sa pagpapanatili ng crime prevention efforts.


Pinaalahanan rin nito ang mga ito na striktong sundin at imonitor ang pagsunod sa mga ipinapatupad na alituntunin ng Comelec ngayong eleksyon.


Samantala, hinikayat rin ng heneral ang kanyang mga kapulisan na iwasan ang pangangampanya para sa o laban sa sinumang political aspirant para sa 2022 national ang local elections at ipinapasiguro rin nito na mananatiling apolitical ang PNP sa eleksyon.


End.

2 views
bottom of page