top of page

PNP MAGUINDANAO, BUMUO NG SPECIAL INVESTIGATION TASK GROUP HINGGIL SA BULUAN SHOOTING INCIDENT

Kael Palapar

MAGUINDANAO - Kasunod ng pamamaril-patay sa tatlong miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team at pagkakasugat ng isa pa sa bayan ng Buluan sa Maguindanao noong araw ng halalan, bumuo ng Special Investigation Task Group ang PNP Maguindanao.


Ito ay pangungunahan ni Maguindanao Police Provincial Director Police Col. Jibin Bungcayao, kasama nito ang investigation team, tachnical/legal team, tracker team at support team na tututok sa insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan at lokasyon ng mga suspek.


Sinabi sa iNews Team ni PLt. Cemafranco Cemacio, hepe ng Buluan Municipal Police Station, na bagama't may lead na sa suspek sa Buluan Shooting Incident, nagpapatuloy pa rin ang kanilang nasimulang imbestigasyon.



"May lead na po tayo. Sa ngayong sir, continuing pa rin ang imbestigasyon..." ani Cemacio.


Umaga noong May 9, araw ng halalan, sakay ng BPAT patrol car na ito ang tatlong suspek na kinilalang sina Misuary Dimapalao, Sajid Kamama at Tatat Bulilo ng pinagbabaril-patay ng hindi pa nakikilalang mga salarin.


Hindi na nagawang isugod pa sa ospital ang mga biktima matapos mag tamo ng tama ng bala sa iba't ibang parte ng kanilang katawan mula sa M16 rifle.


Ayon sa imbestigasyon ng Municipal Police Station ng Buluan, humigit kumulang limapung basyo ng bala ang narekober sa crime scene.


Hinihikayat ngayon ng Maguindanao Police Provincial Office ang publiko na ipagbigay alam ang anumang impormasyon na makakatulong sa pagkakakilanlan ng mga suspek sa nangyaring pamamaril sa bayan ng Buluan.


Ang bayan ng Buluan ay isa sa anim na bayan sa lalawigan ng Maguindanao na isinailalim sa Comelec Control.


Limang indibidwal na ang nasawi sa lalawigan ng Maguindnao habang labing anim naman ang sugatan sa dalawampu’t sang election incidents na naitala ng otoridad.


47 views
bottom of page