Kate Dayawan

REGION 12 - Alinsunod sa direktiba ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, ipinag-utos ni Police Brigadier General Alexander Tagum ang pagpapaigting ng kampanya kontra illegal gambling na di umano’y nagiging source ng korapsyon sa rehiyon ng SOCCSKSARGEN.
Matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil ng operasyon ng Online Sabong sa bansa, pinalalakas naman ng Police Regional Office 12 ang mga programa at kampanya nito laban sa lahat ng uri ng illegal gambling.
Kabilang na sa mga tinatarget ng PRO-12 na matigil sa rehiyon ay ang Jueteng, Last two at Masiao.
Nagbabala naman si Tagum sa mga sangkot ng mga iligal na gawain sa rehiyon na ang mga ito ay mapapatawan ng hanggang 20-taong pagkakakulong sa ilalim ng RA 9287.
Ipinaalala rin nito ang dalawang polisiya na ipinapatupad ng PNP sa buong bansa - ito ay ang No Take Policy at One Strike Policy.