Mr. Jay M. Lasola Jr. | iNEWS Phils | March 24, 2022

Photo courtesy : EJ Obiena
Cotabato City, Philippines - KAHIT NA kasali na sa listahan ng mga atletang sasabak sa 31ST SEA GAMES ang pangalan ni EJ Obiena, titingnan pa rin umano ng Philippine Olympic Committee or POC kung madedepensahan ni Obiena ang kanyang gold record sa Hanoi, Vietnam.
Ayon kay Rep. Abraham Tolentino, nag-aantay pa sila sa confirmation mula sa organizers kung papayagan nila si Obiena na makalaro sa SEA GAMES.
Isinali ng POC ang pangalan ni Obiena kahit na nagkaroon ito ng gusot sa PATAFA dahil sa misappropriation of funds.
Ang Pole Vaulter ay nanalo sa kanyang event gold sa 2019 clearing 5.45 meters at sinundan pa ito ng panalo sa Olympic at nagtala ng Asian Standard.
Sa kanyang laro sa Perche Elite Tour sa Rouen, France naka set ito ng record at na clear ang pole bar na 5.91 meters.
End.