Kate Dayawan | iNEWS | November 22, 2021

Photo courtesy : PRO-BAR
Cotabato City, Philippines - Matagumpay na nahuli ng pinagsanib na pwersa ng Cotabato City Police Office, Sultan Kudarat Municipal Police Station at Regional Highway Patrol Unit - BAR ang isang pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Gutierrez Avenue, Barangay Rosary Heights 7, Cotabato City noong Sabado, November 20.
Kinilala ang naarestong pulis na si alyas Jomar, isang Police Corporal na nakadestino sa Sultan Kudarat MPS at kabilang sa mga High Value Target ng otoridad.
Matapos ang pagkakahuli sa suspek ay agad na ipinag-utos ni PBGen. Eden Ugale, Regional Director ng Police Regional Office - BAR, sa Cotabato City Police Office na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil dito para sa posibleng pagkaka-dismiss nito sa mula sa PNP.
Narekober mula sa posesyon ng suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na mahigit kumulang 0.05 grams at may estimated value na limang daang piso.
Bukod pa rito ay nakumpiska rin ang isang 500 peso bill na ginamit bilang buy-bust money.
Pinuri naman ni PBGen. Ugale ang operating units dahil sa mabilis na aksyon na naresulta sa pagkakaaresto ng isang opisyal na pulis.
Sinisiguro naman ng heneral na publiko na magiging mabilis ang kanilang pag-aksyon at pagtugon laban sa mga tiwali sa hanay ng PNP dahil nasisira ng mga ito ang imahe ng mabubuting pulis sa bansa.
Batay na rin ito sa kautusan ng bagong PNP Chief, PGen. Dionardo Carlos na paigtingin Cleanliness Policy Program.
Bukod sa criminal case na ipapataw sa suspek hahaap din ito sa kasong administratibo.