top of page

POLITICAL SUPPORTERS NG UBJP SA COTABATO CITY, BINAKLAS NA ANG KANILANG MGA CAMPAIGN MATERIALS

Kael Palapar

COTABATO CITY — Kasunod ng pag proklama ng pagkakapanalo ng ilang kumakandidato sa ilalim ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP sa Cotabato City, ngayong araw sinimulan nang baklasin ng ilang political supporters ng partido ang kanilang mga campaign materials sa iba't ibang lugar sa lungsod.


Sakay ng truck na ito, inikot ng kanilang grupo ang ilang barangay sa lungsod upang isakay ang mga campaign materials na nakuha sa mga poste, gate, tindahan at designated posting area.


Ang United Bangsamoro Justice Party o UBJP ang opisyal na political party ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.


Sa Cotabato City, si mayor-elect Bruce Matabalao ang nagsisilbing standard bearer ng partido habang bise alkalde nito ang vice mayor-elect Butch Abu.


Pito naman sa tumatakbong konsehal sa ilalim ng kanilang partido ang prinoklama ng Commission on Election bilang bago konsehal ng Cotabato City.

13 views
bottom of page