POPULATION VOLUNTEERS NA TUMANGGAP NG PARANGAL NGAYONG TAON, MAY KABUUANG BILANG 282
Joy Fernandez | iNEWS | November 25, 2021

Photo courtesy : Provincial Government of South Cotabato
Cotabato City, Philippines - Sa pagtatapos ng selebrasyon ng 2021 Population Congress sa Probinsiya ng South Cotabato...
May kabuuang 282 Population Volunteers ang pinarangalan at tumanggap ng Cash incentives at T-shirts mula sa Provincial Government ng South Cotabato ngayong taon.
Habang nagpaabot din ng suporta sa selebrasyong ito ang Regional Office of Commission on Population and Development sa pamamagitan ng pagbibigay nila ng mga health kits tulad ng face masks, alcohol at alcohol dispenser.
Samantala kahapon, a bente kwatro ng Nobyembre, hinirang bilang Best Performing Barangay sa buong munisipalidad ng Polomolok ang Barangay Sulit dahil sa matagumpay na implementasyon ng Population Management and Development programs sa kanilang nasasakupang lugar.
Tumanggap ang nasabing barangay ng P20,000, isang plaque at certificate of commendation mula sa Provincial Population Office.
Nagpasalamat naman ang isa sa Population Volunteers na si Christina Etcobanez ng Barangay Palkan sa probinsya pa rin ng Polomolok dahil sa mga kaalamang naibigay ng Population Program tulad ng pagkakaroon ng Family planning, pagiging responsableng magulang at maging sa aspeto ng Gender and development.