Kate Dayawan | iNEWS | November 12, 2021

Photo courtesy: Bangsamoro Government
Cotabato City, Philippines - Opisyal nang itinurn-over sa Bangsamoro Ports Management Authority ang pangangasiwa sa Philippine Ports Authority - Port Management Office sa Cotabato City araw ng Miyerkules, November 10.
Pinangunahan ni PPA PMO-Region XII Officer-in-Charge Virgilia Lastimosa, kasama si PPA-PMO Cotabato City OIC Myra Ebita Deticio, ang paglilipat ng mga mahahalagang dokumento kay BPMA General Manager Garib Abas.
Kasamang itinurn-over ang mga ari-arian ng PPA-PMO Cotabato City tulad ng office building, assets at jurisdiction nito sa nasabing port.
Ang BPMA ay isang sektor ng Ministry of Transportation and Communications - BARMM na namamahala, nangangasiwa, at nagpapatakbo ng lahat ng ports sa ilalim ng jurisdiction ng Bangsamoro region.
Ayon kay Transportation and Communications Minister Dickson Hermoso, magsisilbi ang pantalan bilang isa sa mga gateway sa pagbibigay ng livelihood opportunities sa mga tao.
Nakikita naman ni General Manager Abas ang pagturn-over ng PPA PMO bilang isang oportunidad na mapapatakbo na ito ng BPMA at masisimulan ang mga pangunahing proyekto nito hindi lamang sa lungsod ng Cotabato kundi maging sa ibang lalawigan rin tulad ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.