Kate Dayawan | iNEWS | January 28, 2022

Courtesy: BPDA-BARMM
COTABATO CITY, Philippines - Matapos ang 13-14% na pagtaas ng individual household income ng rehiyon, inaasahan ngayon ng Bangsamoro government na bababa na ang poverty incidence rate sa BARMM sa taong 2025.
Ito ay base na rin sa 2021 report ng Philippine Statistics Authority.
Ito ang naging paksa sa first regular meeting ng Economic Development Committee para sa taong 2022.
Pinangunahan ito ni MAFAR Minister Mohammad Yacob bilang Committe Chair.
Malaking achievement umano para kay Minister Yacob ang pagbaba ng poverty incidence sa rehiyon.
Sinabi pa nito na sa kabilang ng kakulangan sa manpower at machineries, nagawa pa ring malampasan ng BARMM ang mga pagsubok na dala ng COVID-19 pandemic sa kabila ng transition period.
Nais ni Yacob na patuloy lamang na magtulungan ang lahat, sa paghahatid ng serbisyo sa tulong at gabay ni Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim lalo na sa moral governance dahil nagiging optimistic umano sila sa kanilang commitment.
Dumalo sa nasabing pagpupulong ang iba pang mga minister at mga representante mula sa iba't ibang ahensya ng Bangsamoro government.