top of page

Poverty Incidence sa BARMM, bumaba sa loob ng tatlong taon — PSA

Kate Dayawan | iNEWS | December 28, 2021




Photo Courtesy: BARMM Government



Mula sa 55.9 percent noong unang semester ng 2018, bumaba na ngayong unang semester ng 2021 sa 39.4 percent ang Poverty Incidence sa buong populasyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o ang proporsyon ng mga mahihirap na Bangsamoro na ang mga kinikita ay kulang upang matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.


Ito ay batay sa inilabas na report ng Philippine Statistics Authority.


Ito na ang pinakamataas na naitalang pagbabago at pag-angat sa BARMM patungkol sa Poverty Incidence.


Samantala, tumaas rin ang per capita poverty threshold sa rehiyon o ang minimum income na kinakailangan ng isang pamilya o indibidwal upang matustusan ang pagkain at non-food requirements nito.


Mula sa Php13,599 noong 2018, naging Php 14,126 ito ngayong 2021.


Ang probinsya ng Lanao del Sur na unang napabilang sa Cluster 1 o ang pinakamahirap na probinsya noong 2018, ay isa na ngayon sa mga probinsyang nasa ilalim ng Cluster 5 o ang least poor provinces category sa taong 2021.


Mula kasi sa 68 percent na poverty incidence nito taong 2018, bumaba na ito ngayon sa 11.4 percent sa 2021.


Ang probinsya ng Maguindanao na napabilanga din sa Cluster na may poverty incidence na 48.6 percent noong 2018, kabilang na ngayon sa Cluster 2 na may 37.1 percent ng poverty incidence.


Bagama't bumaba ang poverty incidence sa dalawang probinsya, nanatili namang kabilang sa Cluster ang probinsya ng Basilan at Sulu na may pinakamataas na poverty incidence.


Ang Cotabato City naman na unang napabilang sa Cluster 2 noong 2018, at Tawi-Tawi na unang napabilang sa Cluster 4 ng parehong taon ay napabilang na rin ngayon sa Cluster 1 o kabilang sa mga pinakamahihirap na cluster ng mga probinsya sa bansa.


9 views
bottom of page