top of page

PPDO-South Cotabato, nagsagawa ng orientation sa iba’t ibang barangay sa Lake Sebu

Kate Dayawan | iNEWS | September 15, 2021


Cotabato City, Philippines - Tinungo ng mga kawani ng Provincial Planning and Development Office o PPDO ng Provincial Government ng South Cotabato ang iba’t ibang barangay sa bayan ng Lake Sebu upang magsagawa ng oryentasyon patungkol sa Convergence Program for Poverty Reduction ng lalawigan.


Sampung barangay na sa bayan ang tapos nang sumailalim sa profiling at handa na para sa site validation at inspection upang malaman kung ano ang isyung dapat na tugunan ng pamahalaang panlalawigan sa lugar ngayong buwan.


Kabilang sa mga barangay na ito ay ang Barangay Klubi, Lamfugon, Tasiman, Luhib, Talisay, Lake Lahit, Bacdulong, Halilan, Upper Maculan at Lower Maculan.



PHOTO BY: PPDO-South Cotabato


3 views
bottom of page