top of page

PRANGKISA SA BARMM


Photo Courtesy: LTFRB-BARMM


KUMPIRMSYON NG MGA PRANGKISA SA BARMM, MAARI NANG ISAGAWA NG BLTFRB MATAPANG NA ANG PRANGKISA NG MGA SASAKYAN SA COTABATO CITYOS ITURN-OVER NG LTFRB 12 ANG NATITIRA PANG ASSETS AT PROPERTIES KABIL


Bangsamoro Autnomous Region -Maari nang isagawa ng Bangsamoro Land Transportation Franching Regularatory Board ang kumpirmasyon ng prangkisa ng mga sasakyan sa buong rehiyon matapos i-turn-over ng LTFRB 12 ang mga natitira pang assets at properties sa BLTFRB kabilang na ang datos ng mga prangkisa sa Cotabato City.


Itinurn-over na ng Land Transportation Franching Regularatory Board 12 sa BLTFRB ang natitira pang assets at properties kabilang na ang datos ng prangkisa ng mga sasakyan sa Cotabato City.


Kasunod nito, maari nang isagawa ng BLTFRB ng Ministry of Transportation and Communications ang kumpirmasyon ng mga prangkisa sa buong rehiyon.


Isinagawa ang turn-over sa tanggapan ng LTFRB national sa Quezon City noong May 5, 2023 na dinaluhan ng lahat ng miyembro ng LTFRB national Board.


Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, ang isinagawang turn-over ay hindi lamang simpleng turn-over, ito rin aniya ay ang pagsasakatuparan sa mga pinaglalabang otonomiya ng Bangsamoro sa loob ng maraming henerasyon.


Lubos naman ang pasasalamat ni MOTC Minister Atty. Paisalin Tago sa suporta na ibinibigay ng LTFRB sa BARMM.


Dahil sa isinagawang turn-over, hindi na kailangan pang pumuntang mga operator sa Koronadal City para sa confirmation ng prangkasi ng kanilang sasakyan bilang requirement bago ma renew ang kanilang sasakyan.


Kasabay nito, ang lahat ng franchise sa loob ng BARMM ay mapapasailalim na sa BLTFRB.

3 views0 comments