top of page

Pres. Duterte, ipinasusuyod ang mga Barangay sa bansa upang mahanap ang mga ayaw pa ring magpabakuna

Joy Fernandez | iNEWS | October 27, 2021


Cotabato City, Philippines - Dahil sa target ng gobyerno na maging fully vaccinated na ang limampung milyong Pilipino bago magtapos ang taong 2021----


Ipinasusuyod ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga barangay sa bansa upang mahanap ang mga taong ayaw pa rin magpabakuna kontra Covid-19.


Hinimok nito ang mga Local Government Units na humanap ng maayos na paraan upang matukoy ang bawat indibidwal na hindi pa rin tumatanggap ng kanilang bakuna.


Kung maaalala, binuksan na ngayon buwan ang pagbabakuna hanggang sa Pangkalahatang Populasyon sa bansa.


Pahayag naman ni Vaccine "czar" Secretary Carlito Galvez Jr. na talagang determinado ang Pamahalaan sa target nito ngayong taon bunsod ng patuloy na pagdating ng mga binibiling bakuna at maging mga donasyon mula sa ibang bansa.


Ngayon ay nasa siyamnapung milyong doses na ng Covid-19 ang dumating sa Pilipinas kaya bilin ng pangulo na maihatid ito ng maayos at ligtas sa iba't ibang lokal na Pamahalaan.







0 views
bottom of page