Presidential aspirant Senator Lacson, may payo sa mga tagasuporta hinggil sa pre-electoral survey

iMINDS Philippines | February 16, 2022

Photo courtesy : Ping Lacson


Cotabato City, Philippines - Sa paglabas ng resulta ng mga pre-electoral survey, pinayuhan ni Presidential aspirant Sen. Ping Lacson ang mga botante.


Aniya, maraming insidente na umano sa kasaysayan ang nagpapatunay na ang resulta ng surveys ay hindi sumasalamin sa desisyon ng pangkalahatang botante pagdating ng mismong eleksyon.


Kaya’t huwag magpadikta sa kung ano o sino ang popular.


Bumoto base sa kung anong klase ng lider ang gusto na bubuo sa ating hinaharap.


Nasa kamay at mga mukha umano ng mga tunay na naniniwala at sumusuporta ang tunay na bilang ng boto at hindi sa survey.


Ani Lacson, lalaban ito hanggang Mayo at hindi susuko para sa inang bayan.


End.

1 view