iNEWS | October 13, 2021
Cotabato City, Philippines - “It’s about time na ‘yung example, mangyari dun sa kataas-taasan,”
Ayon kay Lacson, hindi maaaring ang mga nasa mababang posisyon lamang ang sinisibak tuwing mayroong korupsyon na nagaganap sa mga ahensya.
Giit ng senador, paano susunod ang mga nasa baba kung makikita nilang namamayagpag parin ang mga nasa itaas.
Kung papalarin sa presidential race, nangako ang senador na mabigat ang kakaharaping parusa ng sino mang masasangkot sa korapsyon.
“Kung kami ang palarin, the Filipinos can witness a spectacle of a cabinet secretary turned rogue, na na-entrap for extortion.”
Pangunahing isinusulong ng senador ang tapusin ang korupsyon. Aminado si Lacson na marami na ang mga panulong nangakong tapusin ang korapsyon sa bansa kabilang na aniya si Pres. Rodrigo Duterte.
Peor ayon sa senador, sa kanyang kampanya laban sa koprasyon ang kanyang track record ang maaring panghahawakan ng mga botante.
“Ni minsan hindi ako tumanggap ng suhol na kapalit ng public service. Mula nung nasa PNP, ngayong senador, yang mga lobby fund, talagang wala akong ganyan.”
Dagdag ng senador na ang pinuno ay hindi maaaring magpatupad ng mga utos na hindi naman nito kayang gawin.
Binusisi rin ng senador ang appointment ng mga empleyado ng gobyerno na napo-promote pa kahit na iniimbestigahan na sa kaso ng korupsyon, kabilang na ang ilang miyembro ng Bureau of Customs.
“Dapat hindi double standard. ‘Pag nakita ng iba na doble ang standard mo, magsisipsip nalang sila para makasama sa nakalalamang na standard. Pero kung nakikitang isa lang ang standard, mag-iisip maski yung mga kaibigan na gumawa ng mali.”
