top of page

PRESIDENTIAL BET SENATOR PANFILO LACSON SANG AYON SA GOOGLE SA PAG-BAN NG POLITICAL ADVERTISEMENTS

Updated: Dec 6, 2021

iNEWS | December 3, 2021


Cotabato City, Philippines - Para kay Lacson na tumatayong presidential standard-bearer ng Partido Reporma, mapipigilan nito ang pagkalat ng online trolls ng mga maling impormasyon sa internet.


Aniya, panahon na para magkaroon ng responsibilidad ang mga social media companies sa paglilinis sa mga troll na nagpapakalat ng fake news laban sa mga kandidato.


Pagbabahagi nina Lacson at ng kanyang running mate na si Senate President Vicente "Tito" Sotto III, na tumatakbo sa ilalim ng Nationalist People's Coalition, may panukalang batas sa Australia na ibulgar ang pagkakakilanlan ng mga online trolls sa pamamagitan ng pagmamandato sa mga kumpanya tulad ng Faceook at Twitter na tukuyin ang mga ito.


Sa kabilang banda, sinabi ng tambalang Lacson-Sotto na ipagpapatuloy nila ang kanilang kampanya na naka-angkla sa pagtataas ng lebel ng diskurso.


Ayon kay Lacson, mga isyu ang kanilang magiging pokus sa halip na personalidad at hindi sila sasali sa gutter politics o paninira sa ibang mga kandidato.


Pinabulaanan din niya ang sinasabi ng iba na sila ay "playing safe" dahil sa desisyon na wag siraan ang mga kalaban sa pulitika. Aniya, patuloy silang magbibigay ng puna sa mga gumagawa ng mali hangga't may sapat na basehan.




9 views
bottom of page