Dayawan | iNEWS | October 8, 2021
Cotabato City,Philippines - “Hindi kami magko-comment as much as possible sa makakatunggali namin. Ipe-presenta namin ‘yung sarili namin, kung ano ‘yung pwede naming gawin,” ayon kay Lacson.
Kung mangyayari man umano ito ayon sa Senador ay hindi ito sinasadya.
“Kung halimbawang napakumpara kami sa kanila, hindi sinasadya ‘yun,”
Ang pahayag ng seandor ay kasunod ng panawagan sa kanyang mga makakalaban sa 2022 elections na itaas ang diskurso ng halalan.
Sinabi ng Senador, nagkasundo na sila ng kanyang running mate na si Vice Presidential bet, Senate President Tito Sotto na hindi papansinin ang mga basher at hindi makipagbangayan sa mga katunggAli.
“‘Pag ganoon wag na lang patulan, ipaliwanag kung may dapat ipaliwanag, kung wala deadmahin na lang.”
Ayon sa Senador marami sa mga kumandidato ay mga kaibigan at kasamahan sa trabaho.
“Pangunahin kasi sa amin, integridad at track record. Makikita naman natin sa ginawa namin sa aming public service ni Senate President.”
kanilang pinagsamang walumpong taon sa serbisyo publiko ni Senator Tito Sotto, ay patunay aniya ng kanilang kakayahan ng maaari pa nilang gawin para sa bansa.
