Lerio Bompat | iNews | January 19, 2022

Courtesy: Google Photo
Cotabato City, Philippines - Sa kasagsagan ng pandemya dala ng COVID-19, isang virus ang dapat sugpuain ayon kay Senador Ping Lacson. Ito aniya ay ang korapsyon.
Sa isang panayam nitong Lunes, iginiit ng kandidato sa pagka-Pangulo na nakakahawa rin ang korapsyon sa gobyerno. Kasi kung walang napaparusahan, maraming gumagaya. Lalo na kung nakikita nung mga nasa baba. Sabi ni Lacson, para pigilan ang pagkalat ng korapsyon, kailangan may maparusahan Napakalaking bagay ayon sa senador na mawala lang ang korapsyon. Malulutas umano nito ang singkwentra porsyento ng mga problema sa bansa. Dagdag ng sendor na Ito rin ang layunin na isinusulong niya at running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa kanilang kampanya na “Ayusin ang Gobyerno at Ubusin ang Magnanakaw.”