Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES

Bunsod ng ipinatupad na export ban ng bansang India sa broken rice at sa ipinataw nilang 20 porsiyentong export tax sa ibang klase ng bigas simula noong a nuebe sa buwan ng Setyembre...
Inihayag ng grupong Federation of Free Farmers na posible umanong tumaas nang P4 hanggang P5 ang presyo ng imported na bigas sa Pilipinas bago matapos ang taong 2022.
Mababatid na ang India ang pinakamalaking exporter ng bigas sa buong mundo kung saan tinatayang nasa apatnapung porsiyento ng rice shipments sa buong mundo ang galing sa kanila, na nag-e-export sa nasa isandaan at limampung bansa.
Sa inilabas na datos ng Bureau of Plant Industry, pumalo na sa higit 2.8 milyong metric tons na bigas ang inangkat ng bansang Pilipinas mula a uno ng Enero hanggang ika-walo ng Setyembre ngayong taon, kung saan mas malaki sa 2.77 milyong metric tons na inangkat noong taong 2021.
Ngayon, bilang solusyon ay pinagsusumikapan ng Department of Agriculture na mapataas ang lokal na produksiyon ng bigas sa bansa.