Joy Fernandez | iNEWS | November 29, 2021

Cotabato City, Philippines - Bahagyang sumirit ngayon ang presyo ng itlog at mantika sa ilang pamilihan.
Sa presyo ng itlog, sampung piso hanggang tatlumpung piso ang itinaas sa kada tray.
Ang small size na itlog na dating P140 ang kada tray, ngayon nasa P150 na.
Ang medium size na itlog na dating P180 hanggang P200 kada tray, ngayon ay nasa P210 na ang kada tray nito.
Samantalang ang Large size na itlog na dating P220 lamang, ngayon ay nasa P240 na ang kada tray.
Ayon sa United Broiler Raisers’ Association—
Dahil hindi pa sigurado kung mananatili ang mataas na demand ng mga karneng manok, patuloy pa ring nakikiramdam ngayon ang maraming layering far kung magpaparami ba sila ng produksyon dahil mataas rin presyo ng ilang farm inputs tulad ng mais, soya at iba pa.
Aabot naman sa bente singko pesos ang dagdag presyo sa kada litro ng mantika.
Ang dating P65 hanggang P75 na kada litro ng mantika, sumirit na ito sa P85.
Habang ang 1.5 liter naman na oil na dating P115 hanggang P120, ngayon ay nasa P140 na ito.