Joy Fernandez | iNEWS | November 22, 2021

Cotabato City, Philippines - Sa kabila ng hindi mapigil na paggalaw sa presyo ng ibang uri ng tinapay dahil sa pagmahal rin ng mga sangkap nito...
Nangako naman ang Industriya ng Panderya na hindi tataas ang presyo ng Pinoy Pandesal hanggang sa katapusan ng taon.
Habang si dating vice president at tagapagsalita ng Philippine Federation of Bakers Association, Lucito Chaves ay ganito rin ang ipinangako.
Ngunit dagdag niya na sa pagbubukas ng bagong taon ay makikipag-negotiate sila sa presyo ng tinapay dahil na rin sa tumataas na cost ng paggawa nito.
Pahayag naman ni Johnlu Koa, presidente ng Philippine Baking Industry Group lahat ng ginagamit na commodities ay may pagbaba at pagtaas sa presyo...Kaya mapa Industrial bakers o Community bakers man ay pare-pareho rin ang kinakaharap na problema.