top of page

PRESYO NG REFINED SUGAR, POSIBLENG BUMABA SA P 70 HANGGANG P 80 PAGDATING NG NOBYEMBRE

Joy Fernandez | iNEWSPHILIPPINES



Dahil nag-uumpisa na ang milling ng asukal sa Bacolod at malapit na ring mag-full operation ang mga refinery nito. . .


Inihayag ng Sugar Regulatory Administration na Posibleng bumaba sa P70 hanggang P80 ang presyo ng refined sugar sa mga palengke pagdating ng buwan ng Nobyembre.



Samantala, inaasahan namang magsisimula nang dumating ang 150,000 metric tons ng Refined Sugar na inangkat sa pamamagitan ng Sugar Order No. 2.


Ayon sa SRA, malaking tulong umano ito dahil katumbas ito ng 3 milyong 50 kilong bag ng asukal.


Dagdag rin ng SRA na bagama't limitado man, meron pa ring sapat na supply ng asukal sa bansa.



Sa ngayon ay nasa tig-mahigit 130,000 metric tons ang stock ng raw at refined sugar ng bansa at natitiyak na magtatagal pa ito ng dalawang buwan.

1 view
bottom of page