top of page

PRIBADONG PAARALAN PINAHINTULUTAN NA MAG ALOK NG BLENDED LEARNING MODALITY AT FULL DISTANCE LEARNING

Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES


Sinabi ng isang estudyante na nahihirapan sa online class. Aniya, wala umanong makakapantay sa itinuturo ng mga guro sa aktwal na diskusyon.



Gaya ng estudyante, tiwala rin ang Department of Education (DepEd) sa pagpapatupad ng full-capacity in-person na klase.


Kahapon, a dise siete ng Oktubre, naglabas ang DepEd ng amendatory DepEd Order (DO) o DO34, s. 2022 na nagpapahintulot sa mga pribadong paaralan na mag-alok ng blended learning modality at full distance learning options sa kanilang mga estudyante.


Ipauubaya ng DepEd sa mga paaralan, mga magulang o guardian, at mga mag-aaral ang talakayan sa learning modality na ipatutupad ng mga pribadong school institutions.


Gayunpaman, umaasa ang DepEd na mas pipiliin ng mga private schools ang pagpapatupad ng face-to-face classes gaya sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa na nakatakdang magkakaroon na ng mandatory full implementation ng limang araw [5] na in-person class simula Nobyembre 2 .


Pabibilisin din ng DepEd ang pagrepaso sa blended learning program upang matiyak na ito ay makikinabangan ng ating mga mag-aaral at matugunan ang mga isyu sa pag-aaral.


End

0 views
bottom of page