top of page

PRICE FREEZE, IPATUTUPAD NG DTI SA MGA LUGAR NA ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY

FIONA FERNANDEZ I iMINDSPHILIPPINES


Mananatiling stable ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin sa nga lugar na tinamaan ng Severe Tropical Storm Paeng.


Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), nakikipag-uganyan na sila sa mga manufacturer at retailer ng mga pangangailangan upang matiyak ang napapanahong replenishment ng mga imbentaryo, lalo na sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.


Ayon sa DTI, na pinaigting ng ahensya ang market monitoring nito upang matiyak ang sapat na supply ng mga bilihin sa mga lugar na apektado ng tropical cyclone at masuri kung ang mga retailer ay sumusunod sa price freeze sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity.


Sa ilalim ng Republic Act 7581, o ang Price Act, ang umiiral na presyo ng mga pangunahing bilihin ay dapat mapanatili sa loob ng 60 days kapag naideklara na ang lugar sa ilalim ng state of calamity.


Kabilang sa mga pangunahing pangangailangan ang mga de-latang isda, instant noodles na gawa sa lokal, de-boteng tubig, tinapay, naprosesong gatas, kape, kandila, sabon sa paglalaba, panlaba at asin.


Gayundin, nagpaalala ang Department of Energy (DOE) na ipinapatupad ang price freeze para sa household liquefied petroleum gas (LPG) at kerosene sa mga local government units (LGUs) sa ilalim ng state of calamity.


Sa simula ng buwan, nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng price rollback sa LPG ng 3.50 hanggang 3.55 kada kilo.


Dapat itong magpakita ng pagbaba ng 38.50 hanggang 39.05 para sa isang regular na 11-kilogram na LPG cylinder.


Ang mga LGU na nagdeklara ng state of calamity dahil sa Paeng ay kinabibilangan ng mga lalawigan ng Aklan, Albay, at Cavite; Cotabato City, Zamboanga City, the City of San Pablo in Laguna, and the City Sto.Tomas in Batangas; munisipalidad ng Pigcawayan sa Cotabato, Upi sa Maguindanao, Tibiao sa Antique, at Amulung sa Cagayan; at ang buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.


End

2 views
bottom of page