top of page

PRIME SUSPEK SA PAMAMARIL-PATAY SA APAT NA MAGKAKAPAMILYA SA SITIO TUKA, BARANGAY DATU KARON, LEBAK,

Kate Dayawan | iNEWS Phils | April 1, 2022

Photo courtesy : PCADG Region 12


Cotabato City, Philippines - Hawak na ng Lebak Municipal Police Station ang pangunahing suspek sa pagpatay sa apat na miyembro ng pamilya Capiceño, kabilang na ang dalawang menor de edad, noong araw ng Martes, March 29.


Sa report mula sa Lebak MPS, sumuko umano ang suspek na si Denden kahapon, March 31, kay Uztadz Wahad Hussien, MILF CCCH, at agad na itinurn-over sa pulisya.


Patuloy namang pinaghahanap ng PNP at AFP ang dalawa pa nitong kasamahan na kinilalang sina alyas Rakman at Dick.


Sa pahayag ng suspek, matapos umano ang malagim na insidente ay agad na sumibat ang dalawa nitong kasamahan dala ang kanyang Bangka.


Bukod sa kahaharaping kaso, isinilbi rin kay alyas Denden ang pending warrant of arrest nito dahil sa 3 counts of murder at kasong paglabag sa Section 3(2) ng PD 1613 “Crime of Arson” na walang inirerekomendang pyansa. Itinuturing rin ang suspek bilang Top 1 Most Wanted Municipal Level.


Pinuri naman ni PMaj. Joel Martinez, Hepe ng Lebak MPS, ang pagsisikap ng iba’t ibang operating team na maaresto ang isang sa mga suspek ng karumaldumal na krimen sa bayan.


Aniya, ang matagumpay na operasyong ito ay nagpapakita lamang na handa ang PNP at AFP na pagsilbihan at protekatahan ang komunidad.


End.




9 views
bottom of page