PRO-12, NAGPAPAALALA SA MGA BAWAL NANG GAWIN NG ELECTORAL CANDIDATES SA PANGANGAMPANYA
Kate Dayawan

REGION 12 - Limang araw na lamang at eleksyon na. Kaya naman bilang alagad ng batas, nagpapaalala si PBGen. Alexander Tagum sa publiko lalo na sa mga electoral candidates patungkol sa mga bawal nang gawin sa May 7, ang huling araw ng campaign period, alinsunod sa COMELEC Resolution No. 10732.
Sa ilalim ng nasabing resolusyon, nakasaad dito na kapag ito ay nilabag ng kandidato ay makokonsidera na itong election offense at maaaring maging ground for disqualification mula sa pagtakbo sa public office o di kaya ay pagkakakuling ng hindi bababa sa isang taon o di kaya ay anim na taon.
Kabilang kasi sa mga ipinagbabawal nang gawin sa May 7 ay ang pagkakaroon pa rin ng political caravans, motorcades, pamimigay ng damit, tubig o pamaypay na may mukha o pangalan ng kandidato o anumang halaga sa publiko dahil makokonsidera na ito bilang vote-buying.
Hinihikayat ngayon ng PRO 12 ang publiko na maging vigilante at agad na ireport sa kinauukulan ang mga campaign violation, election-related violence at iba pang uri ng electiong offenses sa pamamagitan ng kanilang isinapublikong PRO 12 ACT-ion Agad Hotline.
PRO 12 Headquarters 0946-9664-665/0945-5211-662
General Santos City 0998-5987-207
Sarangani 0909-8619-676/0998-5987-247
South Cotabato 0998-5987-228
Sultan Kudarat 0930-8541-481
Cotabato 0998-5987-181
RMFB 12 0945-1453-924/0998-5987-146