top of page

PRO-12, NAKAPAGTALA NG 15% NA PAGBABA NG CRIME INCIDENTS SA UNANG KWARTER NG TAON

Kate Dayawan

REGION 12 - Patuloy na bumababa ang mga naitatalang krimen sa rehiyon dose sa unang kwarter pa lamang ng taon. Ito umano ang resulta ng pinaigting na pagsisikap ng otoridad upang mas maging ligtas ang mamamayan dito kahit nasa gitna pa ng pandemya at election campaign period.


Sa unang kwarter ng 2022, bumaba ng 440 incidents o katumbas ng 15.35% sa Total Crime Incidents kumpara sa kaparehong kwarter noong nakaraang taon.


Ang TCI ay ang bilang ng mga crime incidents na nagaganap sa isang lugar na naireport, naitala sa police blotter at tinipo ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD).


Sa pahayag ni PBGEN ALEXANDER C TAGUM, Regional Director ng PRO 12, sinabi nito na ang pagbaba ng mga naitatalang kaso sa rehiyon ay resulta umano ng patuloy na intelligence-driven at focused police operations sa buong rehiyon laban sa lahat ng uri ng kriminalidad.


Dagdag pa nito na sa kabilan man ng mga pagbabago dala ng pandemya at iba pang kaganapan, nananatili pa ring proactive ang PRO 12 sa pagsisiguro na mapanatili ang peace and order upang masiguro na ang rehiyon ay tuloy-tuloy nang maging safe haven para sa komunidad.

3 views
bottom of page