PRO-12, nakikiisa sa AFP sa pagsisigurong ligtas at magiging maayos ang May 2022 elections

Kate Dayawan | iNEWS Phils | Febuary 23, 2022

Photo courtesy : PNP PRO 12


Cotabato City, Phils - Personal na tumungo si PBGen. Alexander Tagum sa 6th Infantry Division upang makiisa sa isinagawang Command Conference kasama ang Armed Forces of the Philippines noong Lunes, February 21, sa 6ID Kampilan Clubhouse, Camp BGEN Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.


Ito ay upang masiguro na magiging ligtas at maayos ang National and Local Elections sa May 2022.


Sentro ng Command Conference ang kasalukuyang sitwasyon ng kani-kanilang area of responsibility at ang possible deployment scheme ng mga personnel.


Ipinahayag naman ni PBGen Tagum ang kanyang pasasalamat sa mga miyembro ng AFP sa patuloy na suporta nito at sa active partnership sa pagbibigay ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.


End.



4 views