PRO BAR REGIONAL DIRECTOR, INISPEKSYON ANG MALABANG MPS MATAPOS ANG INDISCRIMINATE FIRING

KATE DAYAWAN

(Photo Courtesy: Police Regional Office - Bangsamoro Autonomous Region) BANGSAMORO REGION - Araw ng Martes ay agad na binisita at ininspeksyon ni Police Regional Office BAR Regional Director, Police Brigadier General Arthu Cabalona ang Malabang Municipal Police Station upang personal na i-asses at magbigay ng patnubay sa mga personnel nito sa nasabing police station.


Kasama ng regional director ang provincial director ng Lanao del Sur na si PCol. Christopher Panapan.


Sa report mula sa Malabang MPS, bagamat walang seryosong nasugatan sa insidente, mayroon namang pitong indibidwal ang nagtamo ng minor injuries mula sa shrapnels na agad namang nagpagamot sa Amai Pakpak Medical Center.


Nakipagtulungan na ang opisyal sa Marine Brigade Battalion Landing Team 2 para mas masiguro ang mas malawak na seguridad para sa mga mamamayan sa lugar.


Sa kasalukuyan ay patuloy na ipapatupad ang Heightened COMELEC Checkpoints, police patrol, police visibilities, at iba pang upang security measures upang masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng komunidad.

18 views