Fiona Fernandez I iMINDSPHILIPPINES

Mananatili sa jurisdiciton ng Police Regional Office 12 ang bayan ng Pikit at ang mga barangay na sakop nito, bagama’t maraming barangay ang napasailalim sa Special Geographic Area ng BARMM, at ilan sa mga ito ang lugar kung saan naganap ang mga karahasan noong nakaraang linggo.
Ayon kay PRO BAR Regional Director, Police Brigadier General John Guyguyon-
"ang atin lang tiningnan dito is yong close coordination not only with PRO12 but also with arm forces kasi right now although we have 63 Barangays to offer to join we still need legislative measures. Because right now wala pang municipality na ready to adjoin itong mga barangay because of the distances and of course maliban jan may mga kailangang ayusin doon but when it comes to peace and order, ang sabi ng ating Chief is status quo muna ang ating gagawin"
Pinag-aaralan na ayon sa Heneral kung paano ang magiging set-up ng mga barangay na napabilang sa SGA lalo na sa usaping pagpapatupad ng seguridad.
PBGEN JOHN GUYGUYON , REGIONAL DIRECTOR, PRO BAR
"so that attached pa sila doon although they signify thier interest to join BARMM dahil nga wala pang legislative measure to really create municipality and tingin ko as of per study was conducted kulang ito to make it into single province so chini check kung saan mas malapit i-attached ang mga ito"
Nangako ang PRO BAR na makikipag ugnayan at makikipagtulungan sa PRO 12 para maresolba ang problema sa peace and order sa bayan.
PBGEN JOHN GUYGUYON, REGIONAL DIRECTOR, PRO BAR
"and we are waiting for that but for the peace and orders situation status ko muna PRO 12 Will handle kasi hindi nga outside pa yong ano yon,so status quo po muna ngayon so yon ang tintingan natin that we will coordinate and collaborate with each other sa PRO 12 para mabigay po natin yong magandang serbisyo sa kanila"
End